Bago lumisan ang ang mga ibon sa kanilang pugad na naghubog at nagturo sa kanilang lumipad, marami silang magagandang alaala at karanasan na babaunin mula rito. Ang klase ng 6-Martines ay tila mga ibon din na nalalapit ng mamayagpag sa labas ng kanilang pugad. Bilang pagbabalik-tanaw sa mga di nila malilimutang mga alaala sa Nest, nag-akda sila sa klase ng Filipino ng mga tula para kanilang minamahal na pugad…

Ang Aking Eskwelahan

ni Gil Laude Jr.

Ito ang aking ikalawang tahanan.

Kung saan ako ay maraming kaibigan,

at ang mga guro ang aming magulang.

Sa lahat ng bagay kami ay pinapaalalahanan.

Ang kaklase ko ay parang pamilya sa akin.

Lahat sila ay masayahin,

Kahit ako ay kanilang biruin,

Sila pa rin ay aking mamahalin.

Dito ko nakilala ang unang crush ko.

Kahit sa pagtanda ko,

Ang Nest ay palaging nasa isip ko.

Ito ang paaralang ipinagmamalaki ko.

Nest

ni: Sofia Pablo

Minsan, nalulungkot ako.

Dahil ang bilis ng oras,

Baka di ko na napapansin na ang tanda ko na,

o may anak na ako?

Dito ako lumaki sa Nest.

Noong musmos pa ako hanggang dalaga.

Ewan ko kung akala ninyo na maingay ako,

Dahil diyan, maaalala ninyo ako!

Naaalala ko pa kung ano ang ginawa ko sa unang araw ko dito.

Umupo lang ako at tinignan ko lang ang kyutiks ko.

Ang ganda! Pero, sinu-sino ang mga tao?

Ewan ko na! Baka mabait sila.

Kahit ang hirap ng buhay, may mga kaibigan akong kasama.

Pinoprotektahan ako at nagsasabi ng tama, WEH?!

Mamimiss ko talaga sila.

Sila ang aking mga kapatid,

Dahil lahat kami ay anak ni Teacher Je.

Mga Masasayang Araw sa Nest

Ni  James Roguel

Kay sarap isipin

Mga masasayang alaala sa Nest.

May kulitan, may tawanan

na hindi malilimutan.

Sa Palarong Pinoy,

kami’y naturuan

Mga larong tunay na Pinoy

na hindi dapat kalimutan.

Patintero, Karera ng Gulong,

O kay saray alamin!

Lalo na kung kasama

Mga kaibigan sa Nest.

Kinakabahan man ng husto,

Sa pagkakita ng maraming tao,

Sa suporta ng isa’t isa

Pagtatanghal ay nairaos para sa Buwan ng Wika.

Ang masasayang araw sa Nest hindi man aktwal na mababalikan,

Ito’y magpapasaya sa iyo ng tunay.

Hanggang sa aking paglaki, hindi ko ito malilimutan.

Sapagkat ito’y tunay na nagpakulay sa aking buhay.

Nest Ko, Mahal Ko

Ni Dylan Palima

Napakasaya ang karanasan ko dito sa Nest.

Dito, diyan, doon

Ako’y tuwang-tuwa sa mga kalokohan namin.

Mas lalo na kapag kasama ko ang mga kaibigan ko.

Kung malungkot ako,

Mga guro ang nagpapasaya sa akin.

Kahit nasugatan ako,

Tumutulong sila sa mga pangyayaring ito.

Kapag natatakot ako,

Sila pa ang nagbabantay sa akin.

Di ako papayag na makalimutan ko

Araw o gabi, di ko malilimutan ito.

Ang saya talaga dito!

Hinding-hindi ko malilimutan ang mga kaibigan at guro ko,

Mga taong minahal ko ng buong puso.

Ikaw, ano ang “Nest Karanasan” mo?

Abangan ang video ng kanilang declamation ng mga tulang ito🙂

About Teacher Steph

I teach my students as though I am dealing with my very own children. :)

Speak your mind today! :)

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s