Paano  mapapasaya ang bulilit sa kulubot at mapait na ampalaya? Paano  mapupunta si kalabasa sa loob ng bibig na nakanganga? Eh di idaan sa bongga at kaaya-ayang presentasyon sa ibabaw ng pinggan…ang Baon Plating!!!

baon plating

Isa sa kaabang-abang na pangyayari sa Buwan ng Nutrisyon ay ang paligasahan ng “Baon Plating”. Nagsilahok ang mga napiling may pinakamahusay na konsepto na inilarawan sa papel. Sa aktwal na presentayon gumamamit ang mga nasabing kalahok ng tunay na mga gulay at prutas para maisakatuparan ang kanilang ipinasang konsepto.

Para sa Grade 6 ang napiling kinatwan ay sina Mommy Fe at Dylan. Ang tema ng kanilang food plating ay “Veggie Nest”.

Para sa Grade 5, si Aki at Tito Bong ay may konseptong “Scarborough Shoal”.

Ang mga kinatawan naman ng Grade 4 na sina Pia at Mommy Gail ay may temang Bahay na may halamanan.

Sina Lexi at Mommy Karen ng Grade 3 ay gumawa ng Pizza na may disenyong hardin.

Tunay na katakamtakam ang kanilang mga obra ngunit isa lamang sa kanila ang tinanghal na kampeon.

Ang tinanghal na panalo ay may konseptong nananalamin sa kasalukuyang suliranin ng Pilipinas.

Nahulaan mo ba?

…TAMA…Sina Aki at Tito Bong at ang kanilang Scarborough Shoal ang nagwagi rito!

Quezon City-20120727-00466

Tingnan ang mas marami pang larawan dito.

Speak your mind today! :)

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s