Masigla, magulay at punung-puno ng buhay ang pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon noong Hulyo 27, 2012.

Ang temang,“Pagkain ng gulay ugaliin, araw-araw itong ihain”, ang nagsilbing gabay para sa paghanda ng mga nakapagbibigay lusog na mga gawaing pangkatawan at pangkaisipan.

Sa “Culminating Activity” ang mga mag-aaral ng Nest ay nagpakita ng kani-kanilang paraan ng pagsasabuhay ng nasabing tema para sa buwan ng nutrisyon.

Buong buwan hinikayat ang mga mag-aaral na magbaon ng mga masusustansyang pagkain sa eskwela. Ang tamis ng ngiti sa kanilang mga mata ay hindi maikubli sa tuwing sila ay may baong pagkaing masustansiya…PROUD kumbaga!

Ang ibang mag-aaral ay nagpakita ng galing sa larangan ng sining.

Dinaan naman naman ng mga mag-aaral ang kanilang mensahe ng magandang nutrisyon sa paglikha ng kanta na nilapatan ng pamilyar na tunog o NutriJingle.

GEDC5708

Mga nagwagi mula sa 4-Loro kasama ang kanila mga guro at 2 hurado.

Umindak, Sumayaw at nagehersisyo ang mga miyembro ng DTWD (Dance Til We Drop). Pinakita ang kaunting kaalaman sa DancExercise na ZUMBA.

GEDC5703

Pinangunahan ng DTWD ang pagsayaw ng Zumba sa saliw ng “Moves Like Jagger”

Quezon City-20120727-00470

Lahat ng mag-aaral nag-Zumba!

Magpapahuli ba ang mga chikiting ng Grade1 Maya at Grade2 Lawin at Dumagat?

Siyempre hindi!!!

Ang Grade 1Maya ay nag-Hawaian dance sa tugtog ng Sinabawang Gulay at ang mga mag aaral ng Grade 2 ay umindak sa musika ng Republikha na Kain Kain Kain.

Quezon City-20120727-00480

♫ Gusto kong kumain ng pagkain na masustansya ♪

Umarte at kumanta ang mga mag-aaral ng Grade 5 at 6 para sa kanilang NutriCommercial.

GEDC5662

Ang Grade 5-Kalaw nagsasadula ng kanila NutriCommercial

GEDC5709

Nagwagi ang 6-Martines dahil sa kanilang mahusay na awit!

Sadyang di matatawaran ang naguumapaw na talento ng mga mag-aaral ng Nest!

Marami pang mga larawan ng Buwan ng Nutrisyon dito.

One response »

  1. […] sa kaabang-abang na pangyayari sa Buwan ng Nutrisyon ay ang paligasahan ng “Baon Plating”. Nagsilahok ang mga napiling may pinakamahusay na konsepto […]

Speak your mind today! :)

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s