Bilang pagbubuod ng aming pag-aaral ng 4-Loro sa paggamit ng diksyunaryo, ako ay nag-akda ng isang maikling tula tungkol dito. Mayroon akong dalawang layunin sa tulang ito. Una, upang magsilbing buod sa aming pag-aaral ng diksyunaryo. Pangalawa, bilang introduksyon sa pagbasa at paggamit ng tula sa pag-aaral ng Filipino.

Ang Aking Diksyunaryo

Pambihira ang aklat kong ito,

Mga salita rito’y nakaayos paalpabeto.

Kahulugan ng salita,

Dito’y makikita.

Wastong pagbaybay at pagbigkas,

kanya ring pinamamalas.

Bahagi ng pananalita ng isang salita,

tiyak niya ring pinamamalita.

Kaya’t kung may salitang nais makilala,

Huwag magdalawang isip sumangguni sa kanya!

Ang aking diksyunaryo,

Punong-puno ng talino!

Kung mayroon ka ring mga inakdang tula na tiyak na kapupulutan ng aral lalo na sa pag-aaral ng Filipino, maaari bang ibahagi mo rin ito sa amin?🙂

Para naman sa klase ng 6-Martines, gumawa sila ng kanilang mga sariling

“Munting Diksyunaryo”.

Gawa nila: Dylan Palima at Paolo De Guzman

Gawa nila: Sofia Pablo at Jan Luke Pobre

Gawa nila: Kimy Roque at Gelo Mariano

Kung nais ninyong mabasa at sumangguni sa mga diksyunaryong gawa ng 6-Martines, matatagpuan ninyo ito sa reading corner /mini library ng Filipino Room.🙂

About Teacher Steph

I teach my students as though I am dealing with my very own children. :)

Speak your mind today! :)

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s