Nakarinig na ba kayo ng kantang pamilyar ang tunog ngunit iba ang mga salita? Nakikilala mo ang tono o himig ngunit naninibago ka naman sa mga salitang ginamit dahil ibang-iba ito sa unang pagkakakilala mo sa tunog at salita ng kilala mong awit. Ito ay isang halimbawa ng palit-awit o simpleng paglalapat ng ibang mga salita sa isang kilalang kanta. Isang halimbawa ay ang “Fruit Salad Maybe” ng Kinder. Karaniwan, ang mga banyagang awit na may mga himig na tumatak sa karamihan ang siyang pinapalitan ng mga salita.

100B7731

 

Makatutulong sa mga guro ang paggamit ng palit-awit hindi lamang sa tuwing may bagong mga konsepto o ideya na ibabahagi sa mga bata, kundi pati rin tuwing pagbubuo ng kaalaman (synthesis) at aplikasyon nito. Sa ganitong paraan, nabibigyang pagpapahalaga rin ang kaalamang nabuo sa bata mismo at magbibigay ito ng pagtitiwala sa kanilang sariling kakayanan.

Malaki ang naitutulong ng palit-awit sa paglinang ng pagkamalikhain ng isang bata o matanda. Ito’y nakatutulong sa pag-alala (recall), paglapat ng galaw habang umaawit (music and movement coordination), pagsasalita (speaking), pagpapaplawak ng talasalitaan at pagpapalawak ng kaalaman ng bata sa mga konsepto ng ritmo (rhythm), pag-alala (recall), paggalaw (movement). Magandang gamitin ang mga palit-awit upang malinang ang mga competency ng mga bata sa pag- unawa (comprehension) at aplikasyon.🙂

Isa pang halimbawa ng palit-awit ang My Breakfast ni T.Iam noong nakaraang taon para sa Robins Class.

Ikaw, anong palit-awit na ang iyong narinig?

About RMC

Wild Thing since 1992

Speak your mind today! :)

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s