Sino ang iyong iniidolo? Isa ba siyang mahusay na mang-aawit na nanalo sa American Idol o Philippine Idol? O siya ay may bukod tanging talento kaya siya ay nagwagi sa Talentadong Pinoy o sa America’s Got Talent?

Nang ako’y tanungin ng aking mga mag-aaral kung sino ang aking idolo, nahirapan akong sagutin ito. Dahil siguro kapag ikaw ay ganap ng matanda at mulat sa mundo, medyo mataas na ang iyong mga batayan kung sino ang iyong iidolohin. Napakahirap ng pumili.

Ngunit ang mga mag-aaral ng 5-Kalaw ay di nahirapang sagutin ito. Nakakamanghang malaman ang kanilang mga payak na batayan para ang isang tao’y maituring nilang isang idolo. Ating basahin ang isinulat na sanaysay ng ilang piling mag-aaral ng 5-Kalaw ukol sa kanilang mga idolo.

“Mommy”

akda ni: Betina Root

Mommy Gail Root at Betina Root

Ang aking idolo ay ang Mommy ko dahil siya ay masipag, matalino, matiyaga, mahusay ang kanyang sulat-kamay, maalagain, mabait at nakakatawa. Masipag ang Mommy ko dahil kahit gabi na at hindi pa namin natatapos ang aming mga takdang-aralin, magsisipag pa rin siyang turuan at tulungan kami. Isa lamang iyon sa mga dahilan kung bakit siya masipag.

Maalagain din ang aking Mommy dahil kapag may sakit kami at nagigising kami ng madaling araw, inaalagaan niya kami. Mabait nama ang aking Mommy dahil kapag may mali kaming nagawa, hindi niya kami sinisigawan kaagad. Pinagsasabihan niya kami ng maayos tungkol sa ginawa naming mali.

“Sino ang mga paborito kong Idolo?”

akda ni: Carlo Ronquillo

Tito Freddie Poblete at Carlo Ronquillo

      Ang mga paborito kong idolo ay si Lola Lolita at si Tito Freddie. Ang una kong paboritong idolo ay si Lola Lolita dahil siya ay “Reyna ng mga Pomerainian” dahil may mga pomerainian dogs siya. Isa rin siyang lola na marunong magmaneho.

Ang pangalawa kong paboritong idolo ay si Tito Freddie dahil magaling siyang karpintero at mabuting tatay sa mga anak niya. (Pinangako niyang bibigyan niya ako ng x-box pagkatapos ng taong ito.)

Ikaw, sino ang iyong iniidolo?

About Teacher Steph

I teach my students as though I am dealing with my very own children. :)

Speak your mind today! :)

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s