Binubuo ng maliliit na mga kaharian ang Tibet noong unang panahon. Si Songzen Gampo ang unang nanakop kaya naging isang kaharian na lamang ang Tibet.

Nais niyang magkaroon ng pagbabago kung kaya maliban sa sa pag-aasawa ng isang prinsesa kanyang ninais na magkaroon ng isang wika. Si Songzen Gampo ay nagpadala ng kanyang pinagkakatiwalaang miyembro ng gobyerno sa isang bansa na pinaniniwalaang Laos sa kasalukuyan at magsaliksik upang makabou ng bagong wika. Siya ay merong kamalayan na ipagpatuloy na gamitin ang iba’t-ibang dialketo subalit ang bagong wika ang siyang nagbuklod at nagpalaganap ng relihiyong Buddhismo. Nagtagumpay si Songzen Gampo at nagkaroon ng pagkakataong mabuo ang gobyerno at bansang Tibet. Progresibo ang bansang Tibet bago ang pananakop, may sistema eto ng gobyerno, matatag ang kanilang relihiyon, at mga may kagamitan sa pakikipagdigma na wala ang Tsina o mga karatig bansa.

Ang kuwentong ito ay nagpapatunay na ang wika ay mahalaga sa pagbubuklod ng mga mamamayan. Dapat ay araw-araw tayong nagbubunyi at pinagmamalaki ang ating wikang pambansa, ang wikang Filipino. Maski ang asignaturang tinuturo ko ay English aking mahal ang wikang Filipino.

Sinasabi ng iba na “baduy” ang wikang Filipino subalit sa aking palagay ay hindi ito ang tamang panghalip na gagamitin. Sa aking palagay ay walang wikang “baduy” ang mga mamayan na karamihan ay galing sa “middle class” at “educated class” lamang eto nagmula. Sa aking palagay kung kaya hindi sumusulong ang kultura at ang ekonomiya ng ating bansa sa kadahilanang walang elemento na magbubuklod sa ating lahat. Ang paggamit ng wikang dayuhan at ang pag-bibigay importansiya dito ay senyales na ating pinahahalagahan ang “economic competence over national competence” ayon kay Dra. Lincuanan (2007). Tayo ay mahirap hindi dahil sa walang yamang lupa o dagat ang Pilipinas subalit wala tayong pag-mamahal at pag-aalaga sa ating kultura at wika. Ang ating mga pinagpipitagang mga bayani, tulad ni Rizal, Bonificaio, Mabini at del Pilar ay nagsulat sa wikang Filipino upang mapaabot ang mensahe sa mga nakakarami. Ang ating mga bayani ay nagpapatunay sa kahalagahan ng wikang Filipino upang mabou ang mga puso at damdamin sa iisang layunin.

Ang bawat batang isinisilang ay walang kamalyan tungkol sa kanyang nasyonalidad. Hindi niya alam na isa siyang Aleman, Amerikano, Hapon o kaya ay Filipino, ang bawat isa ay may kakayahang mag-salita ng wika na kanyang turan mula pagkasilang. Ang bawat tao ay may kakayahang mag-salita sapagkat ayon kay Chomsky meron tayong “Language Acquisition Device” na tumutulong na matutunan ang wika.

Ang “oracy” ay ang kakayahang berbal ng isang bata na magpahayag ng nasasa-isip na nalinang sa pamamagitan ng samu’t-saring mga pamamaraan ng pakikipag-ugnayan ng mga magulang at iba pang mga nakakatanda sa isang bata. Kadalasan ng mga resyerts ay tungkol sa pag-susulat at pag-basa subalit kaunti lamang ang tungkol sa berbal na wika kung kaya ito ang aking napiling pagsasaliksik. Ayon kay Sue Palmer (2003), ang “oracy” ang literasi ng pang-hinaharap sapagkat ang maayos at malinaw na pag-papaliwanag ng nasasa-isip ang magiging mas mahalaga.

Ang aking resyerts tungkol sa iba’t-ibang pamamaraan ng pakikipag-usap at oracy sa wikang Filipino na may relasyon ng paglinang ng literasi ng limangput-isang mag-aaral sa unang baiting  sa isang pampublikong paaralan, malaking bahagi ng mag-aaral ay namulat sa wikang Filipino at nagkaroon eto ng isang makabuluhang relasyon sa oracy.  Ano ang ibig sabihin nito? Ang kabataan ay napapayaman ang kanilang berbal na kakayahan sa pamamagitan ng mga makabuluhang karanasan ng pag-gamit ng wikang Filipino, kaalaman tungkol sa mundo, mga unang karanasan ng pag-babasa at pag-susulat sa wikang Filipino at pumapaimbulog ito sa makabuluhang berbal ng wika at pag-katuto sa loob at labas ng silid aralan.

_MG_3072

Ang wika ng karanasan ay mainam ng gamitin sa mga paaralan sapagkat madaling maiintindihan ng isang bata ang mga konspeto at makakasabay ito sa mga makabuluhang pag-uusap sa loob ng silid aralan. Ang aking resyerts ay nagpapatunay sa kahalagahan ng wikang Filipino sa paglinang ng literasi. Ang paggamit ng wikang Englis sa paaralan ay hindi binibigyang halaga ang makabuluhang karanasan ng mga bata sa pakipagtalastasan, pagbabasa, at pagsusulat sa wikang Filipino. Bago pumasok ang isang bata mayroon na etong kamalayan sa wika na kanyang turan kung kaya kinakailangang gamitin ang wika ng karanasan sa mga paaralan bilang wika ng pagtuturo.

Ang unang pitong taon ng isang bata o mag-aaral sa paaralan ay mahalaga sa paglinang ng kanilang kaalaman sa lahat ng asignatura at madebelop ang pag-mamahal sa wikang Filipino. Ang isang batang may kamalayan sa wikang Filipino mula sa kanyang kapakanakan ay sadyang mas mabilis matuto at mag-aral ng ibang wika. Ang kakayahang berbal ay kailangan malinang bago pumasok ang isang bata sa paaralan ayon kay David Crystal (1997) kung kaya kailangan na isang wika lamang ang gagamitin sa ating bahay at paaralan, at ito ay wikang Filipino.  Ayon kay Mel Levine (2002) hindi dapat nag-aaral ng ibang wika ang isang bata kung wala pang kahusayan sa wikang kinamulatan.

DSC04250

Ang pagbabasa, pakikipag-usap, at iba pang mga “communicative events” ng ama at ng anak ang siyang tumutulong upang malinang ang kakayanhan sa pagsasalita at literasi sa wikang Filipino. Kadalasan ay ina ang may malaking impluwensiya subalit sa aking resyerts ang ama ang siyang may malaking kontribusyon sa paglago ng literasi. Nakakagulat, subalit dahil sa nagbabagong panahon, ang mga ama ay sadyang mas nadadama ang presensiya sa pag-aaruga ng kanilang mga anak. Aking hinihikayat ang mga ama at ina na palaguin ang mga karasanasan ng kanilang mga anak sa wikang Filipino upang sumulong ang ating wika at ekonomiya. Ang wikang Filipino ay isang mahalagang elemento na binibigyang pansin ang pangangailangang “developmental” at “culturally appropriate.” Ang diglossia ay isang pangyayari na kung saan ang wikang dapat matutunan ay napapalitan ng ibang wika. Nagiging pangalawa o panghuli sa priodridad ang wikang Filipino at mas importante and wikang banyaga. Mawawala ang diglossia kung tayo ay magsisimula sa ating mga bubot na mag-aaral na bigyan ng makabuluhang karansan ng paggamit ng wikang Filipino at tiyak na bawat mag-aaral ay magtatagumpay.

Di ko gagamitin ang palasak na “colonial mentality” kahit ito ang nakikitang dahilan ng nakakarami sapagkat ilang taon ng lumipas at tayo ay malaya na. Ang tunay na kadahilanan ay walang pagkakataong pumaibolog ang Filipino kung nasaan ang wikang Englis sa ating kamalayan. Ang wikang Filipino ay nanatiling mailap at isa lamang simbulo ng ating bansa. Hindi ito naging gamit ng mga maalam at intelektual ng ating bansa, hindi nagkaroon ng malalim na kamalayan sa ating mga puso at isipan. Ayon kay Propesor Isagani Cruz (1994) kung ang Pilipinas ay ang sususnod na progresibong bansa sa Asya, kailangang gamitin ang Filipino sa lahat ng antas ng pamumuhay. Ang ibig sabihin nito ay ang mga kuro-kuro sa loob ng paaralan, sa pamimili sa “grocery,” ang mga tsimis, ang mga resyerts sa mga kolehiyo, ang pag-presenta sa “board meeting,” mga batas at mga balita, Filipino ang siyang kinakailangang isulong na gamitin.

 100_7057

Ako ay natutuwa na marinig ang ating panggulo na gumagamit ng Filipino sa kanyang talumpati. Subalit sana ay di eto “nag-code switch” at gamitin lamang ang isang wika. Ang patuloy na paggamit ng wikang English ang siyang nagpapalala ng “social divide” sa ating mga mamamayan. Ang paggamit ng wikang Filipino sa lahat na antas ng pamumuhay ay nagbibigay ng pantay na karapatan sa bawat Pilipino, mahirap o mayaman, nakapag-aral man o dili, na maintindihan ang mga misteryo ng buhay.

——-

Cruz, Isagani. (1994). The language issue on education. Editor, Jasmin Espirutu Acuña. Congressional Oversight Committee on Education, Congress of the Philippines.

Crystal, David (1997). The Cambridge encyclopedia of language 2nd ed. Cambridge University Press.

Levine, Melvin D. (2002). A mind at a time. Simon &Shuster, New York.

Licuanan, Patricia (2007). Students learn better when the mother tongue is used. The Philippine Daily Inquirer.

About these ads

About tonymabanes

Tony is a teacher by day but in his soul life, he is a dreamer and student of life. He is both body and soul. Tony inks his thoughts to remember a day in his life. All that he has are stories to share.

Speak your mind today! :)

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s