Sa bawat aklat na ating binabasa, mga pelikulang ating pinanonood, maging teleserye o teledrama na ating sinusubaybayan, tunay namang pinananabikan natin ang katapusan o wakas ng kwento ng mga ito. Kadalasan pa nga, sa sobrang pananabik tayo ay bumubuo sa ating mga isipan ng ninanais nating wakas para sa mga kwentong ito…

…”Gusto ko magkatuluyan sila!”

…”Sana makulong yang kontrabida na yan!”

…”Mas maganda siguro kung hindi nalang namatay yung tunay niyang magulang.”

Ilan lamang ito sa ating mga nasasambit kapag nag-aabang ng katapusan ng isang kwento. Hindi maikakaila na minsan iniisip natin na sana may kapangyarihan nalang tayong baguhin ang takbo ng isang kwento, kapangyarihang masunod ang gusto nating katapusan.

Paano kung isang araw, magkaroon ka nga ng kapangyarihang ito? Paano kung bigyan ka ng pagkakataong sumulat o lumikha ng iyong sariling wakas o katapusan para sa isang kwentong iyong nabasa, napanood o napakinggan?

Ito ang kapangyarihang iginawad ko sa 4-loro at 5-Kalaw habang tinatalakay namin ang aming paksa ukol sa pagsulat ng wakas ng isang kwento. Mayroon kaming binasang kwento at sadya ko itong pinutol at di pinamagatan upang bigyang kalayaan ang mga bata na gumawa ng sarili nilang pamagat at wakas. Ginamit ko ang sumusunod na kwento:

      Noong unang panahon ang Pilipinas ay isang mahabang isla na kung saan naninirahan ang mag-asawang higante. Isang mayaman at masaganang lupain ang isla ng Pilipinas kung kaya’t hindi na nangangailangang magtrabaho ng dalawang higante upang mabuhay. Mamimitas at namumulot na lamang sila ng mga kakainin sa paligid.

      Isang araw napagkasunduan ng mag asawa na kabibe ang kanilang magiging pananghalian kung kaya’t nagsimula silang mamulot ng mga kabibe na malapit sa karagatan. Hindi natuwa ang lalakeng higante sa mga mumunting kabibeng iyon at napagpasyahang lumusong sa ilalim ng karagatan upang makahanap ng mas malaking kabibe. Hindi naman nabigo ang higante at kaagad na nakakita ng higanteng kabibe. Nang buksan niya ito ay namangha siya sa laman nitong makintab na perlas. Dali-daling umahon ang lalakeng higante at ipinakita ang natagpuang kayamanan sa kanyang asawa.

     Labis na namangha ang dalawa kung kaya’t lumusong muli ang lalake ngunit sa pagkakataong iyon ay kasama na niya ang asawa sa pangangalap ng mga higanteng kabibe. Binuksan nila ang maraming higanteng kabibe at itinabi ang mga perlas at malugod na umuwi.

Habang nasa daan papauwi ay nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa sa kung sino ang dapat makakuha ng mas maraming makintab na perlas. Pinipilit ng babae na dapat sa kanya mapunta ang mas maraming perlas dahil mas marami syang nakuhang kabibe. Mas nauna namang makita ng lalake ang perlas kaya dapat siya ang mas maraming makuha, ang pangangatwiran nito.

         Gamit ang kanilang pagiging malikhain, tuklasin natin ang nabuong sariling wakas o katapusan ng ilang piling mag-aaral ng 4-loro at 5-kalaw…

Isinulat ni: Andrea Resurreccion (4-Loro)

Ang Mahiwagang Perlas

          Sa sobrang pag-aaway ng mag-asawang higante, hindi nila napansin na may tumitingin sa kanila na mga sirena at tsokoy. Nang makita nila ang mga perlas na pinag-aawayan ng mag-asawa, dumiretso sila sa isang kastilyo sa ilalim ng dagat at ibinahagi nila ang nakita nila kay Reyna Perlina, reyna ng perlas at reyna nila.

          “Halos sampung sako po ang pinag-aawayan nila,” sabi ng sirena. “at malaki pa po ang nakuha nila!” sabi ng tsokoy. “Kailangan ko silang parusahan!” sabi ng reyna. Sinigaw ng reyna ang sumusunod na sumpa:

“Kung sino man ang kukuha ng perlas, ang buhay niya ay magwawakas! Kung sino mang kumuha ng perlas ng walang pahintulot ay mahuhulog sa dagat at lulubog!”

            Habang pinag-aawayan ang perlas ng mag-asawa, nahila ng lalaki ang mga perlas ng sobrang lakas. Napatumba ang babaeng higante at nahulog sa dagat. Tulad ng sinabi ng reyna, lumubog ang babaeng higante at ang lalaki naman ay nawala ng parang bula.

          Kinuha ng tsokoy ang mga perlas. Sigaw naman ng reyna, “Ngayon, maging babala na ito sa mga naninisid sa dagat!”

Isinulat ni: Beatrice Totanes   (5-Kalaw)

Walang Pagmamahal sa Perlas

          Nag-away ang dalawang higante hanggang sila’y matulog. Noong natulog na silang dalawa may dumating na barko. Bumaba ang mga tao at nag-ikot. May mga nakita silang prutas, gulay, at mga iba pang pagkain. Noong nakita nila ang dalawang higante nagulat sila na may nakatira pala sa isla. Nakita rin nilang may perlas silang pareho. Yun pala ang mga nasa barko ay mga pirata!

         Dahan-dahan nilang kinuha ang perlas para hindi sila mahuli. Ninakaw nila ang perlas. Noong nakuha na nila ito dinala ang mga perlas sa barko. “Halika na umalis na tayo sa islang ito baka mahuli pa tayo ng mag-asawang higante,”sabi ng isang pirata sa ibang wika. Umalis na ang mga pirata habang tulog pa ang mag-asawang higante.

         Noong umaga na at nagising na ang mag-asawang higante  nakita nalang nila na wala na ang mga perlas na kinuha nila. “Nasaan na ang mga perlas natin?”sabi ng higanteng babae. “Baka may kumuha o nag-nakaw ng mga ito,” sabi ng higanteng lalaki. “Mga dayuhan nagnakaw ng mga ito,” sabi ng higanteng babae. “Okey lang kahit manakaw yung perlas dahil magkasama naman tayong dalawa e. Ang ginawa lang ng perlas sa atin ay mag-away tayo. Walang pagmamahal sa perlas. Ang imporatante ay magkasama tayo,” sabi ng higanteng lalaki. “Tama ka,” sabi ng higanteng babae. Yinakap niya ang asawa niya.

          Ang aral ng storya ay kahit mawala lahat sayo ang material na bagay, hindi mawawala ang pagmamahal. Ang isa pang aral ay mas importante ang pagmamahal kaysa sa mga material na bagay.

Isinulat ni: Nicolette Del Castillo (4-Loro)

Ang Mga Perlas

          “Dapat ako ang magtago!” sabi ng lalaking higante sa asawa. “Sige ikaw na ha!” sagot ng babae. Ilang araw ang nakalipas, pumasok ang mag-asawang higante sa bahay nila at napansing nawawala ang mga perlas!

          “Ikaw kasi!!! Winala mo!!” sisi ng babaeng higante sa asawa. “Kasalanan ko pa?” sabi ng lalaki. “Teka! Ayun oh!” sigaw ng lalaking higante nang makita niya ang perlas sa gubat. “Ayun!” sabi din ng babae.

           Biglang may gumagalaw sa damuhan kung nasaan ang perlas. “May unggoy!” sigaw ng mag-asawa. Inatake sila ng unggoy at tinakbo ang perlas. Kinuha pala ng unggoy ang mga perlas.

          “Pasensya na, nagalit ako sa iyo.” sabi ng babaeng higante sa asawa. “Ay naku! Lagi ka namang nagagalit e!” sagot ng lalaki. At walang katapusan ang pag-aaway nila!

Isinulat ni: Dylan Palima (5-Kalaw)

Ang Pag-aagawan ng Perlas

             Nag-away ang mag-asawang higante. Isang araw may isang matalinong higante. Pumunta siya sa mag-asawa. Itinanong niya, “Bakit kayo nag-aaway?” Sabi ng higanteng lalaki, “Madami ang kinuhang perlas ang asawa ko.” “Bakit masama ba kumuha ng maraming perlas?” sabi ng higanteng babae. “Oo! Dahil ako nga ang unang nakahanap ng perlas!” sabi ng  higanteng lalaki.

           “RAAWWWWWWWWWWWWWWWWWWWWWW” sigaw ng higanteng babae. Nagsuntukan ang mag-asawa.

           “Tama na!” sabi ng matalinong higante. Hinarangan niya ang mag-asawa. “Dapat hindi kayo nag-aaway at dapat kayo maghati na lamang. Ilang perlas ang kinuha mo higanteng lalaki?”sabi ng  matalinong higante. “11 na perlas lang,” sabi ng higanteng lalaki. “Ikaw naman?” tanong ng matalinong higante sa babae. “15 na perlas,” sabi ng higanteng babae.

          “O, magbigay ka ng 2 perlas.” sabi ng matalinong higante. “Bakit ba?” tanong ng higanteng babae. “Para patas ang perlas ninyo. Kapag nagbigay ka ng 2 perlas sa kanya, mayroon siyang 13 na perlas habang ikaw ay mayroon ka din 13 na perlas,” sabi ng matalinong higante.

          Binigay ng babaeng higante ang 2 perlas sa asawa niya. Nagbati ang mag-asawa. Nagpasalamat nila sa matalinong higante. Hindi nag-away ang mag-asawa sa halip natuto silang magbigayan at magmahalan.

Isinulat ni: Veda Zaballa (4-Loro)

Ang Tagatago ng Perlas

          “Hindi! Ako ang magtatago niyan!” sabi ng babaeng higante. “Ako nalang,” sabi ng lalaking higante. Kinuha ng babaeng higante ang perlas at inagaw naman ito ng lalaking higante. Naghilaan silang dalawa hanggang tumalsik ang perlas at nahulog sa dagat. Sumisid ang mag-asawang higante sa dagat at hindi na sila nakita pang muli.

Isinulat ni: Jerrald Morales (5-Kalaw)

Ang Isla ng Perlas

         Sabi ng lalaking higante, “Dapat ako din ay gumamit ng perlas para magdecorate dahil ako naman ang unang nakakita ng perlas at ikaw naman ang kumuha ng maraming perlas”. “Magandang ideya iyon, siguro magiging masama naman kung ako lang ang gagamit ng perlas dahil ikaw naman ang unang nakita. Patawad ha, naging makasarili lang ako.” sabi ng babaeng higante.

         “Okey lang yan, basta wag mong ulitin na ha?”, sabi ng lalaking higante. “Sige.” sabi ulit ng babaeng higante

          Nagdecorate na ang mag-asawang higante. Sa sobrang ganda ng isla, tinawag ng mga tao ang isla na “Perlas”. May mga balita na sa buong mundo. May mga turista pa nga na dumadaan. Hindi natatakot ang mga turista dahil mababait ang mag-asawang higante.

          Naging mayaman na sila. Hindi na sila nagtatrabaho palagi. Maraming tao ang humanga sa Isla ng Perlas. Iyon ang unang islang puno ng perlas.

Isinulat ni Shouzan Tanaka (4-Loro)

Laban Para sa Perlas

          “Ako!” sabi ng babaeng higante. “Hindi, ako!!” sigaw ng lalaking higante. “Mag-bato bato pik nalang tayo!” sabi ng mag-asawa.

          Nanalo ang lalaking higante sa bato bato pik pero sabi niya sa kanyang asawa, “Maghati nalang tayo.” Pinaghatian na nga ng mag-asawa ang mga perlas.

Isinulat ni: Sofia Pablo (5-Kalaw)

Mga Perlas ng Pilipinas

          Pagkatapos nilang mag-away, sabi ng asawang babae, “ Ako na lang yung gagawa ng dekorasyon, ikaw yung lumangoy para kunin ang mga perlas.” Tapos, lumangoy na ang lalakeng higante. Lumangoy pa siya ng malalim. May naramdaman siya sa kanyang mga paa. May nakita siyang pating sa ibaba ng kanyang mga paa. Lumangoy siya sa tabi ng pating.

          Nagsalita ang pating. Ang sinabi niya ay “Bakit mo kinukuha ang mga perlas? Iyan ang mga perlas ng Pilipinas.” Nagulat ang higanteng lalaki. Lumangoy siya papunta sa taas. Tumakbo siya sa kanyang asawa. Nagtanong siya sa kanyang asawa. “Anu-ano ang mga perlas ng Pilipinas?” Sabi naman ng asawa, “ Hindi ko alam, magtanong tayo.”

          Kaya pumunta sila sa dagat. Sumigaw ang mga higante ng “ Anu-ano ang mga perlas ng Pilipinas?” Nakita nila ang pating. Sumagot naman ang pating. Ang sabi niya “Mahalaga ang perlas sa Pilipinas.” Nagtanong naman ang higanteng babae, “Bakit?” Sabi naman ng pating, “Sabi sa awit na Lupang Hinirang, ‘Bayang Magiliw, Perlas ng Silanganan.’” Sabi ng lalakeng higante “Dapat na natin ibalik ang mga perlas.” Kaya, ibinalik nila ang mga perlas. Niyakap ng higanteng lalaki ang kanyang asawa.

 Isinulat ni: Seth Cucio (4-Loro)

Ang Dalawang Higante

          Habang nag-aaway ang mag-asawang higante, nabasag ang mga perlas at ang mga piraso ay naging Sierra Madre at Banawe Rice Terraces. Nagka-anak ang mag-asawang higante ng pandak na bata. Mas lumiit pa ang pandak na bata hanggang naging tao na ang anak ng mag-asawang higante.

         Nakalimutan na ang dalawang higante at walang nakakaalam kung saan galing ang Sierra Madre at Banawe Rice Terraces.

About Teacher Steph

I teach my students as though I am dealing with my very own children. :)

Speak your mind today! :)

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s